Sunday, December 09, 2007

NAGBABALIK

Sa Tagal kong nawala eto nag babalik uli ako hehhehehe

Sunday, November 05, 2006

PASKONG TRADISYON

Pasko, pasko, pasko na naman muli..Ito laging kinakanta pag nalalapit na ang pasko ngunit ang pasko ba ang syang nakakasaya sa bawat isa sa ngayon? ito ang tradisyon na may saya't kalungakutan or sabihin na nating may sumpa!!!sa panahong ito, dahil sa mga karahasan, krimen na tumataas kapag sumasapit na ang tinatawag na pasko ito daw buwan at araw ng panganakan ni hesus kristo ang tagapagligtas ng sanlibutan ayon sa romano katoliko bakit nagkagayon kapag sumasapit ang selebrasyong ito kailangan bang maging bongga lahat na kailangan sa pasko at maraming pera ka dapat??... dahil kailangan may masaganang kang handa at mga regalong ipamimigay na ayon din daw sa tradisyon eh tularan ang tatlong mago na nag handog sa haring isinilang lol

kaya sa panahon ng pagsapit ng ganitong tradisyon lumalaki na ang krimen tumataas ang mga kaso ng holdapan at nakawan minsan pa mapaptay ka pag nakursundahan ka pa alam natin hindi na maaalis sa mundo ng mga tao ang ganitong mga krimen pero sa panahong ito bakit pa kailangan pa nating kasing ipagpabonga lahat na pwede nlang simpleng pamumuhay na
walang inisip na gastusin.


ok sa akin ang pasko maganda ito na nagpapa ala-ala sa ating manunubos pero sa simple sanang pamumuhay...walang kinalaman ang Diyos dito sa ganitong tradisyon, ang tao lang ang nagpalala ng lahat nang ito.

Sunday, September 03, 2006

LEAD SLINGER CHALLENGE




















IAS Manila will be holding a contest to be held at the upcoming KOMIKON at the UP Bahay ng Alumni this October 21, 2006 in cooperation with the ARTIST DEN. It’s called the LEAD SLINGER CHALLENGE. In a nutshell, it’s like American Idol only we’re featuring visual artists





for more info check out http://jonasdiego.blogspot.com/ or http://jonasdiego.deviantart.com/ tnks guys

Friday, September 01, 2006

MANA SA AMA part2

Masaya ang anak ko ng malaman niyang sya nanaman uli ang nanalo sa on the spot poster making contest sa temang: magkaisa't magmahalan tayo may iisang lahi at iisang wika .....wow mana talga skin....CONGRATZ MY SON!!!!

Thursday, August 17, 2006

IGLESYA, RELIHIYON NG MGA IBON

Minsan daw ay nagpasya ang mga ibon na magtayo ng iglesya. Kaya nagpulong sila at nag-usap-usap. Unang nagsalita ang bibe, “Sa palagay ko ay kailangang ipag-utos natin sa mga miyembro ng iglesyang ito na ang pagbabawtismo ay dapat yung nilulubog sa tubig. Yan lang ang tanging paraan para kahit ang mga pitaka nila ay mabautismuhan. Pero tumutol ang tandang. Ang sabi nito, “Hindi, dapat ay wisik-wisik lang kasi marami ang ang nahihiyang makita silang basa sa Publiko.”

Sumunod na nagsalita ang parrot, “Para sa akin ay hindi ganoong kahalaga ang pagbabawtismo. Ang kailangan natin ay magandang programa.” Maraming ibon ang sumang-ayon, dahil alam nilang hindi makikilala ang isang iglesya kung wala itong maganda at maayos na programa. Pero hindi pa rin kumbinsido ang isa sa mga ibon, “Paano ang koro? Dapat may mahusay tayong koro at dapat bumili tayo ng organ!” Ngunit may tumutol na naman,“Hindi na uso ang organ, mas mabuti kung piano ang gagamitin natin.” Ang sabi naman ng maya, “Ang pinakamaigi ay tanggalin na yang musika at kantahang iyan. Ang kailangan natin ay mahusay na pastor o tagapag-turo.”


Mas lalong tumindi ang diskusyan ng dumating na ang isyu ng pagkakaloob. May mga nagsabing dapat lahat ay magbigay ng ikapu. Mayroon namang naniniwalang hindi ito dapat sapilitan.
Di nagtagal ay tumayo na ang kuwago. Nanahimik ang lahat. Sabik sa imumungkahi ng matalinong ibon. Nagwika ang kwago ng ganito, “Mga kapatid, lahat ng inyong binanggit ay pangalawa lamang sa kahalagan. Ang babanggitin ko ang higit na mahalaga’t kinakailangan. Dapat tayong magpakatotoo kahit na kunwari lang ito!”
At nagtayo na ng iglesya ang mga ibon!

Alam mo bang may mahigit sa dalawang daang denominasyon, sekta at maging kulto na nagsasabing sila ay Kristiyano. Oo, dalawang daang magkaka-ibang grupo. Bawat isa ay may itinuturing na mas mahalagang bahagi ng pagiging Kristiyano. Gaya ng bibe na nagsusulong ng baptism by immersion, ang tandang na masaya na sa pawisik-wisik lamang. May ilang tao na sasang-ayon sa maya na naniniwalang walang lugar ang musika sa iglesya. At mayroon namang nagsasabing ang sermon ng pastor ang pinakamahalagang bahagi ng pananambahan.

Siguro isa ka sa mga naguguluhan sa mga pagkakaiba-ibang ito ng mga simbahan. Naisip mo tuloy na hindi ito para sa iyo. Marahil ang oras mo ay kulang pa sa mga responsibilidad sa pamilya at opisina kaya ang pagpunta sa iglesya ay nasa dulo na ng listahan ng iyong mga prioridad. “Hindi para sa akin ang relihiyon” nasabi mo sa iyong sarili.
Meron isang lalaking sumasang-ayon sa iyo ng isang daang porsiyento. Siya si Pedro. Mayroong fishing business ang kanyang pamilya. At talagang kinakain ng negosyong ito ang oras niya. Kaya gaya mo wala rin siyang panahon para sa relihiyon.

Maaaring paminsan-minsan, kapag may okasyon ay napapadalaw siya sa simbahan. Pero kahit kailan ay hindi siya naging kumportable dito lalo na kapag nagsesermon na ang pastor.
Pero isang araw, may nakilala si Pedro na nakapagpabago ng kanyang buhay. Nakilala niya si Hesu-Kristo. Mayroong natatangi kay Hesus na agad na pumukaw sa atensyon ni Pedro. Kakaiba ang hatak ng bawat salitang binibitiwan ni Hesus kaya ng sabihan niya kay Pedro, “Sumunod ka sa akin” hindi ito nagdalawang-isip.
Hindi ito relihiyon. Si Hesus ay Diyos na nagkatawang tao, siya ang bugtong na anak ng Diyos at batid niya ang hangad at pangangailangan ng puso mo.

Ang sabi ni Hesus, “Pumarito ka sa akin” (Mateo 11:28). Hindi niya sinabing umanib ka sa iglesya o gawin mo lahat ng iyong magagawa, o magpakatotoo ka. Ang sabi ni Hesus ay, “Pumarito ka sa akin”. Dahil alam Niyang kailangan mo siya. Anyayahan mo si Hesus na manahan sa iyong puso. Kumuha ka ng Bibliya at simulan mong basahin ang aklat ni Juan. Matutuklasan mong si Hesus ang susi para maunawaan mo ang mga simbahan.

Friday, June 16, 2006

PAGSAMBANG PINAG-ISIPAN

"Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat Siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan" (Juan 4:24).
Sa aklat ni
Jack Hayford na The Heart of Praise, may isang kabanata na may pamagat na “Come Before His Presence With Thinking, Too!” Iginigiit ni Hayford na ang ating Diyos ay dakila, at kailangan natin ng kakayahang intelektwal para maunawaan natin kung gaano Siya kadakila. Sinabi niya, “Nakakalungkot na sa palagay ng maraming tao ay sapat na ang walang ganang pagpupuri para sa Diyos, na para bang iniiwan nila sa pintuan ng simbahan ang kanilang isip kapag oras na ng pagsamba.

Ang pagsambang pinag-iisipan, giit ni Hayford, ay nagtutulak sa iyong sumamba nang may pasasalamat at pagpapakumbaba. Ang paggamit ng iyong isip sa pagsamba ay hindi nagiging dahilan ng kayabangan. Sa halip ay nagdudulot ito ng nag-uumapaw na paghanga at daan para masulyapan mo ang kadakilaan at kaniningningan ng Maykapal.
Hindi ka ba nagtataka kung bakit pinagyaman ng Diyos ang intelektwal na kakayahan ng tao? Hindi kaya bahagi ng sagot dito ay para maunawaan natin kung sino Siya, at mula sa ating karunungan at pang-unawa ay kilalanin at purihin natin ang Dakilang Lumikha?
Halimbawa: Pagbulay-bulayan mo kung ilang beses ginamit sa Bibliya ang mga salitang gaya ng “magpasya”, “maunawaan”, “mag-isip”, “pagbulay-bulayan”, at ilan pang mga salitang may kapareho nito. Lahat ng ito ay ginagamitan ng isip. Ilang taon na ang nakakaraan, isang sikat na manunulat ang nagsabing kailangan daw nating ilagay sa space capsule ang ating utak at pagkatapos ay ipadala sa kalawakan, sa gayon daw ay mas mabibigyan natin ng papuri ang Diyos. Sinabi rin niya na ang pag-iisip ay nakakahadlang sa iyong pagkakilala sa Diyos. Kabaligtaran naman ang sinabi ni Hayford, “Kung maayos ang ating pag-iisip, magpapakumbaba tayo sa Diyos na lubhang nakahihigit sa kakayahan nating mag-isip. Sasambahin din natin Siya, na hindi lamang nakahihigit sa lahat ng mga diyos kundi maging sa lahat ng kayang abutin ng ating isip at pang-unawa.


Mahigit na 160 beses binanggit sa Bibliya ang salitang ”pang-unawa”. Humingi si David ng isang “maunawaing puso para mapamunuan ang mga tao at para malaman ang kaibahan ng mabuti sa masama”. Maraming tao ngayon ang mas ginagamit ang kanilang emosyon sa kanilang pagsamba at pag-unawa sa Diyos kaysa sa kanilang pagkakakila sa Diyos. Ang iba naman ay nakadepende sa kanilang pakiramdam at emosyon. At kapag dumating na ang problema, pakiramdam nila ay pinabayaan na sila ng Diyos. Tulad ni Jonah, tumatalikod sila at tumatakas, iniisip na sila’y iniwanan at inulila. May panahong kailangang balewalain ng isang tao ang kanyang emosyon at panghawakan na lamang ang alam niyang totoo kahit ano pa ang kanyang nararamdaman.

Basahin mo ang aklat ng Awit, at malalaman mo na napakaraming salaysay ang nagpapatotoo sa kadakilaan ng Diyos, at batay sa ginawa ng Diyos, magpuri ka at sumamba. Inaanyayahan ka ng sumulat ng Awit na magpakatatag ka at magtiwala sa Diyos.
Ang pagsambang pinag-iisipan ay hindi kailanman tulak lamang ng damdamin. Hindi ito kailanman naging, “Parang gusto kong magpuri sa Diyos,” o kaya nama’y “Mabuti ang pakiramdam ko ngayon kaya baka pumunta ako sa simabahan!”. Hindi ko sinasabing ang iyong emosyon ay hindi tumutugon sa kadakilaan ng Diyos, dahil tumutugon din ito. Ang nananahang presensiya ng Diyos ay nagdudulot ng pag-ibig at kagalakan.


Isinasaalang-alang ng pagsambang pinag-iisipan ang mga ginawa ng Diyos at ginagawa ito ng buo mong pagkatao. Isipin mo ito: “Ikaw Panginoon ay walang katulad sa maraming bagay na iyong ginaganap; kung pangahasan kong lahat ay sabihin nangangamba akong mayroong maligwin. Silang lumalapit sa Iyo’y dulutan ng ligaya’t galak na walang kapantay…” (Awit 40:5,16). Ito ay pagsambang pinag-iisipan!

Wednesday, March 22, 2006

PAALAM MR. ESTRADA

Paalam na Mr. Estrada .... hindi si erap na dating presidente, ang tinutukoy ko ay, kundi ang father ng bestfriend ko, siya ay si Mr. Antonio Estrada. Last March 18 ng sya ay pumanaw na sanhi na rin ng mga komplekasyon sakit ...Halos 3 buwan syang nakipaglaban sa ICU sa World City Hospital...nakakalungkot isipin pero ganun talaga ang buhay, wala tayong magagawa, kung oras muna talga at babawiin kna ng Maykapal.

Muli lubos akong nakikiramay sa pamilyang Estrada.....paalam and God bless you